Add parallel Print Page Options

Kaya't sabihin mo sa mga anak ni Israel, Ako'y si Jehova at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio, at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, (A)at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan:

(B)At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, (C)at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.

At aking dadalhin kayo sa lupain, na siyang (D)pinagtaasan ko ng aking kamay na aking ibibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; at aking ibibigay sa inyo na pinakamana: ako'y si Jehova.

Read full chapter